24th..

Dear Karla,

Here you go,

Just this past few days.
a WORD war happened.
It was unevitable and became truly devastating, Massive weapons were launched. One nation was shot and bullets richochet thru its heart. That made them split into 2 parts. This part of their history will surely explain that the theory of forgiveness is not a choice,but an attitude. Attitude that we should act not say.

I know that you will not forgive me just like that,and so am I.

However, not only because I am the man. But because I sincerely know that there is a total mistakes on my part.
I wanna take the opportunity to reunite the nation(your heart and my heart)and once again become ONE.

Please accept this white flag as a token of purity and as a throphy of my respect to you. Not just by being the girl,but a woman in this so called battle-relationship.

Treat this not as a form of my defeat but as my way of sincere apology for sometimes being harsh, hard headed,inconsiderate, ungentle, gullible, uncareful and arrogance.
Again, IM SORRY

I Know that what we are fighting for isnt over yet. We may explode again sometime but certainly along the way we can be wiser and braver. And I do hope that when that day comes your hand is still locked with mine..

 

 

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

23rd

Karla,

Paano ko ba ide-describe
yung nagdaaang limang taon.

TAYO?

magsisimula ako sa kulay
Paghahaluin ko ang black at white
ang finish product “TAYO” malabo pero kung iintindihin klaro.
parang di tugma
parehong plain,parang walang malay.

Ngayon ilagay natin sa coloring book ang basehan saktong sakto parang throw back
punong puno ng art tulad ng sa eskwelahan.

Kung sa pagkain parang di mapapansin
tinapay at kanin. Hindi gaanong outstanding
Pero ang epic dito, kaya nating pasarapin.
at yung sarap bibitbitin ng hangin. didikit sa flower magwiwisik ng bango sa hardin.

Totoo, para tayong iisang kulay
white o black kasi yan ang paborito kong ugnayan.
pwedeng background, pwedeng main stream, di tulad dati na parang drawing
dahil hanggang ngayon tayo’y patok na loveteam.

at ang nagdaang anim na pung buwan
kasing kulit ng kulay na yan
alanganin nung pinaghalo
pero dahil kasama ka sa kwento.
sa tuwing magmu muni muni nag go glow
dahil sobra sobra pa sa isandaang rainbow
ang nag fo floating.

ang daming nangyari no
bumagyo bumaha
biglang humupa
tapos bumagyo ulit
may nakitampisaw may mga nakisilip
may pumito may sumenyas ng foul
may mga nambato pero tingan mo
eto tayo ikaw tapos ako.
nakatayo pa rin naman kamay ko pa rin ang hawak mo
At yung puso ko may tattoo ng buong pangalan mo.

pananaw ko
mas naging malawak
yung mga evil sides ko
ayun, tinatanggap mo.
syempre kumonti,
marunong na kong magreflect yumuko
umamin ng pagkakamali
magsabi ng “thank you”
ipagsigawan ang “i love you”
lahat ng to, utang ko sayou.
babayaran ko naman ng buong feelings na totoo.

Sa nagdaang mahigit sa isang libong araw.
Seryoso hindi madali pero tingnan mo
eto tayo oh
Masaya na may twist ng tampuhan na may malupit na blending.
Kaya Araw araw may natutunan. Kahit may mga bagay na
minsan nakakaligtaan.

at ang bago kong equation
ikaw + ako kapag kinalculate
lilitaw ang salitang
TAYO.
O kung i momodify mo
dagdag natin ang mga topak mo at ang sinasabi mong angas ko.
ayun, edi mas titibay yung
TAYO. lagyan pa natin ng ganito “!”

oo tayo ang bida,
wag ka ng magtanong at kumontra.
wala ng away at pangakuan.

ang importante yung the end
wala sa tag line.
at ang tag line.
Simple lang,
emphasized ko lang

ako at ikaw.
I add ko ulit.

TAYO.

Salamat and I love you.
Hihintayin ko ulit yung dugtong mo na two.
..

 — with Karla Camille Danielle Sualog.

Leave a comment

Filed under Uncategorized

22nd

Visualization is not a luxury. 

 

For the serious writer,

it’s as natural as breathing—a process that infuses every creative “cell” with the “oxygen” and “nutrients” it requires for vibrant health and optimal function.

You may need to quiet your internal slave driver each time she reminds you sharply that you have far too much work to do to stop and feel, dream, and watch your ideas invisibly materialize in your mind’s eye. You may struggle to rein in your unnatural tendency to believe that time spent “simply” thinking instead of writing is time wasted. Yet, taking control of these unruly psychological elements will bring new freedom and vibrancy to your writing.

 

credits to jeanne of writer’s note

Leave a comment

Filed under Uncategorized

21st

Farewell 2012, Welcome 2013

 

Nung sumilip ako pabalik
Wala akong masabing mga titik
Parang nablangko ang aking isip
Natulala at ang dibdib ay nanikip

Isang taon na naman pala
bakit ganon kasi parang wala akong napala
Mismong New years resolution ko di ko na maalala
Kahit alam ko di ko naman natupad talaga

Hay, Parang panaginip lang no
Yung 2012 wala na, parang bulang naglaho
katulad ng lisensya ayun, nalipasan at napaso
kaya ayun babyahe na naman ng patago tago

Yung iba nanghihinayang,
madami din ang proud dahil sa 2012 nakinabang
kaya sa 2013 madaming nakaabang
Lahat sila gusto pang tumuloy sa laban.

Sabi nila sana ngayon makatanggap ng swerte
E diba alam natin ang lahat satin din nakadepende
Ang malas ma kokontra ng tiyaga
Ang swerte hindi dinadaan sa nilaga

Sa totoo lang isa ako sa lumaban
sa paglipas ng oras face to face walang atrasan
Alam ko dito dapat todo ang personalan
Dahil pangarap ko ang isa sa usapan

So pano kita kita na lang
Sa sunod na ikot ng mundo dun tayo magkamustahan
Malay natin ngayon taon natin
lahat ng promise subukan nating gawin..

Leave a comment

Filed under Uncategorized

20th

yung panaginip ko parang algebra
nagising ako sa sobrang takot
nakaramdam ako ng sobrang lungkot
para syang equation
na hindi kailangan ng computation
pwede kang mag magsubstract
pero dapat di ka madistract
alanganin kang magmultiply
kasi pwede kang mapilay
wala kang hahatiin
may kailangan ka lang hintayin
nasa gitna ka ng sitwasyon
na undefined yung solutions

sa panaginip ko,
parang ang daming tao
tapos may kailangan akong hanapin
sa loob lang ng isang minuto
may kalabuan yung mga mukha
sa panaginip ko para akong kawawa
ang tagal bago ka nagpakita
kahit pa ramdam kong andun ka
kung baga sa algebra
ikaw lang ang given value
ikaw lang ang nag iisang clue

nagising na lang ako bigla
hawak ko yung dibdib ko
ang bigat sa pakiramdam
para akong sinukluban
nahanap kita
pero bigla kang nawala
hawak hawak na kita
pero nabitawan pa
tapos nayakap kita sandali
pero ginising naman ako ng hikbi

para syang algebra
may mga letters and symbols
pero walang exact figures
parang 2x + u = y
hindi ko makita yung sarili ko
nawawala ako sa equation
kaya naisip ko
baka ako ang tamang solution

sa araw na to
nanaginip ako ng algebra
at bigla
nakaramdam ulit ako ng takot

pero kailangan mong maniwala sakin
masosolve ko to
para ka talaga sakin

 credits to souldagger24

Leave a comment

Filed under Uncategorized

19th

pwede bang i-tease mo ulit ako?
yung parang walang nagbago
yung tipong nagsisimula pa lang tayo
kinikilala pa lang kita
kinakabisa mo palang yung bawat galaw ko
yung di ko pa alam ang amoy ng pabango mo
hindi mo pa masundan ang musika ko
babalik tayo sa dati
bibiruin kita
ngingiti ka
kikindatan mo ko
kikiligin ako
tatapikin kita sa balikat
tutugon ka na parang manyak
maghoholding hands tayo ng patago
magsusulatan
magkukulitan
tapos
ayan na
buo na araw mo
niyakap na ko ng mundo
dalawa tayo
in love
masaya

dati

maibabalik pa naman yun di ba?

pwede bang i-tease mo ulit ako?
ibahin lang natin ng konti yung ngayon
baguhin natin yung tugtog
bagalan natin ng konti
hayaan nating isayaw tayo ng hangin
hanggang sa magbulungan ulit
yung mga hearts natin
hahawakan ko ulit ang kamay mo
yayakapin mo ako pabalik sayo
magsisimula tayo ng panibago
ikaw
ako
yung love na meron ka
yung sweetness na kaya ko
pagsamahin ulit natin
kahit wala ng ibang elemento

sapat na yun
ikaw
ako

pwede bang i-tease ulit kita?
ngayon na?

mahal kita
pag nawala ka
ilang bilyong luha
ang katumbas mo

mahal kita
mundo
sa paraiso

 

credits to kiko and kikay

Leave a comment

Filed under Uncategorized

18th

Ni minsan hindi ako naging magaling sa pagbasa ng love. may pagkakataong kinakapos ako. may mga panahon namang nasosobrahan ko. akala ko dati sobrang simple lang.magsasabi lang ako ng i love you tapos hihintayin ko syang mag i love you too. ganun lang kadali. dati. kaya ilang beses din kaya akong nagkamali. mga lima, anim, pito o higit pa siguro sa sampu. ewan ko di ko na mabilang.

kaya naisip ko, komplikado nga talaga ang love. para lang to sa mga matatapang na tao. may taglay syang super power na hindi mo malalaman hanggat hindi mo hinahawakan. ilang beses ko tong tinangkang hawakan, tapos ilang beses din akong napaso. pero madaming beses din naman akong nag enjoy. sa dinami daming pagkakataong nahawakan ko to, ni minsan hindi ko na memorize kung sang parte ako masasaktan. o kung sang parte ako makakafeel ng happiness. ang hirap nyang basahin. ang hirap nyang kabisahin. kaya kung pa duwag duwag ka, pa iyak iyak lang, palabas labas ng dimples, pa relax relax lang tapos pa flirt flirt lang. wag na. di ‘to para sayo.

ang alam ko lang. di sapat ang simpleng i love you. sabi ng iba, sapat na yun. pero sa totoong drama, hindi pa rin. hindi naman lahat ng nagsasabi ng i love you, nakakatanggap ng i love you too. hindi rin lahat ng mababasa o maririnig mo totoo, ang iba dyan kathang isip lang. at mas lalo namang hindi hihinto ang mundo kapag pareho na kayong nakapagbitaw ng i love you. pakyut kyut lang yun. ang totoo, patuloy kang tutuksuhin ng mundo hanggang sa mahilo ka. tapos malito. hanggang sa hindi ka na sigurado. pero may mga ilan din namang nanindigan. hindi naman lahat marupok. hindi naman lahat kagaya ko.
hindi ko din pwedeng sabihing nilalaro lang ang love. kasi kung laro lang ito, hindi iiyak ng todo yung mga natalo. kaya ni minsan hindi ko sinubukang laruin ang love at mas lalong hindi ko pinangarap maging manika o robot. kung mahal mo ang isang tao, ituring mo syang kakampi-wag lang basta kalaro. ingatan mo. ipakita mo yung mga susunod mong bara, ipahiram mo yung pinakamagara mong pamato, tapos ichismis mo kung anu ano yung mga bagay na magpapabagsak sayo sa laro. ituring mo syang kakampi. uulitin ko. kakampi-hindi kaaway.
basta ako simple lang ang concept ko ng love. para syang jelly ace. iba iba yung kulay. iba iba din yung packaging. iba iba yung hugis. pwede mo syang hati hatiin sa mga taong nasa paligid mo. pero yung paborito mong kulay ibibigay mo pa din sa taong laman ng lahat ng panaginip mo. yung pinakamaganda ang packaging? ititira mo pa din yun sa taong espesyal sayo. at yung hugis heart? para sa kanya pa din yun. kaya ngayon, hindi na siguro ako malilito. pwede akong mamahagi. pero ang ending neto. sayo pa din yung pinaka yummy. promise yan.

 

credits for souldagger of tcaf

Leave a comment

Filed under Uncategorized